
Pinag-iingat ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang publiko, lalo na ang mga Overseas Filipino Worker o OFW na iwasan ang isang lalaking nagpapakilala umano na tauhan ng OWWA.
Nilinaw ng OWWA na si Darwin Lastimosa ay hindi konektado sa ahensiya at walang awtoridad na magproseso ng repatriation o gumawa ng anumang transaksyon sa pangalan ng OWWA kapalit ng anumang bayad.
Hinihikayat ng OWWA ang mga nabiktima ng scam, agad na makipag-ugnayan sa OWWA legal office sa pamamagitan ng pag-email sa legal@owwa.gov.ph o pagtawag sa kanilang hotline bilang 09175805720.
Para sa repatriation at iba pang tulong ay direktang makipag-ugnayan sa OWWA Repatriation Assistance Division o tumawag sa OWWA ECares Hotline 1348.
Paalala ng OWWA lalo na sa OFWs na huwag magpaloko at maging mapanuri at siguraduhin na dumaan lamang direkta mismo sa OWWA.