OWWA: 8 OFWs mula Lebanon, dumating na sa bansa; mga Pilipinong nailikas sa gulo sa Israel, 424 na 

Dumating na sa bansa ang panibagong batch ng mga Pilipinong inilikas mula Lebanon.

Kagabi nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang sinasakyan nilang Qatar Airways Flight QR 928.

Ang grupo ay binubuo ng 8 Overseas Filipino Workers (OFWs) mula Lebanon na boluntaryong nagpa-repatriate dahil sa nagpapatuloy na gulo sa pagitan ng Israeli Forces at militanteng grupong Hezbollah.


Samantala, nasa 424 na mga OFWS na mula Israel ang ligtas na napauwi sa Pilipinas sa gitna naman ng bakbakan ng Israeli Forces at ng Hamas.

Ayon sa OWWA, kabuuang 12.8 million pesos na financial assistance na rin ang kanilang naibigay bilang pangakong suporta sa mga OFWs na nais magsimula ulit ng hanapbuhay dito sa Pilipinas.

Facebook Comments