Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Leo Cacdac bilang undersecretary ng Department of Migrant Workers on Welfare and Foreign Employment (DMW).
Ito ang kinumpirma ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, matapos na italaga ng pangulo bilang bagong OWWA administrator si Arnell Ignacio na dating OWWA deputy administrator.
Bukod kay Ignacio at Cacdac, itinalaga rin sa bagong pwesto sina Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Administrator Bernard Olalia bilang Undersecretary for Licensing and Adjudication.
Pero habang wala pang approval ang 2023 budget ng DMW ay siya pa rin magsisilbing officer-in-charge (OIC) ng POEA.
Itinalaga naman bilang Assistant Secretary for Reintegration ang dating Overseas Filipino Worker (OFW) sa loob ng 29 na taon sa Jeddah, Saudi Arabia na si Venecio Legaspi.
Siya ay “rose from the ranks” bago naabot ang pagiging vice president ng isang prominenteng bangko sa Saudi.