Nagbigay ng karagdagang ayuda ang OWWA-ARMM sa OFW-members at kanilang pamilya sa Marawi city.
Nakatanggap ang mga active at non-active na direktang naapektohan ng krisis upang matulungan silang muling makabangon.
Ang ayuda ay alinsunod sa Administrative Order No. 3, s. 2017 na inisyu ng Office of the President, OWWA Board Resolution No. 35, s. 2017, sa ilalim ng Welfare Assistance Program (WAP) ng OWWA kung saan ang aktibong OWWA members ay makakatanggap ng (Php 10,000.00) samantalang P5, 000 naman ang sa non-active members.
Sa kasalukuyan ay patuloy ang pagproseso at releasing ng OWWA-ARMM ng rehabilitation assistance sa mga naapektohang OFWs at kanilang pamilya.
Noong March 21 lamang ay abot na sa Php 2,830,000.00 na ang naibigay ng ahensya sa 544 na kwalipikadong OFW-members sa Marawi city.