INI-upgrade ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang Balik-Pilipinas, Balik-Hanapbuhay (BPBH) livelihood program upang mas mapahusay ang pagserbisyo sa mga nagsi-uwi nang Overseas Filipino Workers (OFWs).
Ang livelihood program ay nagbibigay daan sa OFW returnees na maging entrepreneurs sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng training, starter kit at cash assistance bilang puhunan sa napili nilang negosyo.
Sa nakaraang BPBH ay non-monetary support lamang tulad ng entrepreneurship training at starter kit na nagkakahalaga ng P 10,000 ang natatanggap ng OFWDs, ngunit kamakailan lamang ay ini-upgrade ng OWWA ang BPBH kung saan mayroon nang P 20,000 bilang bahagi ng assistance package.
Sinabi ni OWWA-ARMM Regional Director Amy B. Crisostomo said, ang BPBH program ay nagbibigay ng magandang panimula para sa OFWs na nakaranas ng hirap sa abroad.
Sa ngayon, ang OWWA-ARMM ay nakapag-release na ng P16.5M sa 860 beneficiaries sa ARMM