
Nagsagawa ng dayalogo ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), kasama ang Department of Migrant Workers (DMW) at Center for Migrant Advocacy (CMA), para sa Filipino seafarers na na-deport mula sa U.S.
Kabilang sa tinalakay sa dayalogo ang ilan sa mga pangunahing concern ng mga marino tulad ng hindi pa naibabalik na mga bagahe, unpaid salaries, at ang kanselasyon ng kanilang U.S. visa.
Tiniyak naman ng DMW na patuloy silang makikipag-ugnayan sa principal employers ng mga tripulante para sa pagbabalik ng kanilang mga bagahe, at sa mga manning agencies naman kaugnay ng mga hindi pa nababayarang sahod.
Makikipag-ugnayan din ang DMW sa Department of Foreign Affairs (DFA) sa isyu ng revoked visas ng Pinoy crew at para mapag-aralan ang mga susunod na hakbang ng pamahalaan.
Tiniyak naman ng DMW ang tulong pinansyal sa naturang Pinoy seafarers.









