Lumagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Philippine Nurses Association (PNA).
Layunin ng kasunduan na matiyak ang kapakanan at proteksiyon ng mga Pilipinong nurses na nagtatrabaho sa ibang bansa maging ang kanilang pamilya.
Ayon kay Dr. Erlinda Castro Palaganes, pangulo ng PNA, kailangan lang ipagbigay alam ng mga Pilipino nurses sa OWWA ang mga idinadaing nilang mga problema.
Sa ilalim pa ng kasunduan, maglalaan ang OWWA ng 24/7 na hotline na tatanggap ng lahat ng reklamo o concern ng mga Pilipino nurses.
Facebook Comments