Manila, Philippines – Pansamantalang magsisilbi bilang acting labor attache’ ng Pilipinas sa Kuwait si Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Deputy Administrator Arnel Ignacio.
Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, ito ay habang hindi pa nakakarating sa Kuwait ang hinirang na kapalit sa pwesto ni Alejandro Padaen.
Si Ignacio ay bahagi ng rapid reaction team na ipinadala sa Middle East para alamin ang sitwasyon ng ofws doon.
Magugunitang ipinag-utos ni Bello ang pagpapauwi kina Padaen at Assistant Labor Attache’ Lily Pearly Guerrero dahil sa kabiguan na gumawa ng kaukulang hakbang nang mapaulat na nawawala ang Overseas Filipino Worker na si Joanna Demafelis.
Si Resty Dela Fuente ang hinirang na bagong Labor Attache’ sa Kuwait.
Facebook Comments