OWWA Deputy Administrator Faustino Sabarez III, pumanaw dahil sa COVID-19

104

Nagpaabot ng pakikiramay si Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Leo Cacdac sa pagpanaw ng kanilang maaasahang opisyal na si Deputy Administrator Faustino “Bubsie” Sabarez III alas-7:49 kagabi sa Manila Doctors Hospital sa edad na 54 ay hindi na nito nakayanan ang bagsik ng COVID-19.

Si Sabarez ay itinalagang OWWA Deputy Administrator noong Marso 16, 2020 kung saan nanungkulan siya bilang pinuno ng ECQ/MECQ OWWA Ground operation sa mga balik-OFW na nangangailangan ng pagkain, transportasyon at hotel quarantine services.


Iginugol ni Sabarez ang kanyang oras sa pagbibigay serbisyo sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) na sumasailalim sa hotel quarantine kung saan personal niya mismong pinangangasiwaan habang inaantay ng mga OFW ang kanilang resulta ng kanilang PCR test o pagtanggap ng Local Government Unit (LGU) pabalik sa kani-kanilang mga tahanan.

Hindi matatawaran ang pagbibigay serbisyo ni Deputy Administrator Sabarez sa mga Overseas Filipino Worker (OFW).

Facebook Comments