Gumastos ang Overseas Workers Welfare Association (OWWA) ng aabot sa ₱18 bilyon para sa repatriation program ng mga Overseas Filipino Worker (OFW).
Kinumpirma ito ni OWWA Admin Hans Leo Cacdac kung saan gumagastos ang ahensya ng 30 milyong piso kada araw para bayaran ang mga hotel na nagsilbing quarantine facilities.
Kasama rito sa ₱18 billion ang gastos sa pagkain, at transportasyon ng mga OFW.
Samantala, aabot na sa 540,000 displaced OFWs ang nakatanggap na ng tulong mula Abot Kamay ang Pagtulong o AKAP Program na nagkakahalaga ng ₱5.4 bilyon.
Magpapatuloy naman ang pamamahagi nito sa Enero dahil sa naiwang backlogs mula sa Bayanihan 1 at 2.
Facebook Comments