Handa na ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na ipatupad ang Mass Repatriation ng mga Pilipinong naninirahan at nagtatrabaho sa Middle East.
Ayon kay OWWA Administrator Hans Cacdac, nagawa na dati ito at kaya muling ipatupad ang mass Repatriation.
Mahigpit ang coordination nila sa DFA para rito.
Tiniyak ng OWWA na wala silang natatanggap na tawag mula sa mga Pilipino sa Iraq at Iran na nais umuwi sa bansa.
Hinimok ng ahensya ang mga Pilipinong nandoon na makipag-ugnayan sa mga kaukulang ahensya.
Facebook Comments