OWWA, handang tulungan ang mga OFW na nais pumunta ng Hong Kong

Handa ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na tulungan ang mga OFW na patungo ng Hong Kong pero stranded sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, ang mga apektadong OFW ay maaaring tumawag sa OWWA Hotline 1348.

Maaari ding puntahan ng mga OFW ang OWWA Counters sa Terminal 1,2, at 3 sa NAIA.


Una nang sinabi ni Labor Sec. Silvestre Bello III na wala pang desisyon para ihinto ang deployment ng mga OFW sa Hong Kong.

Hinihintay ng DOLE ang assessment ng DFA, maging ang ulat ng kanilang labor attache sa Hong Kong.

Facebook Comments