OWWA, hihilingin sa Hong Kong na huwag maging malupit sa mga OFW na ayaw magpabakuna

Hihikayatin ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang mga Filipino domestic helpers sa Hong Kong na magpabakuna kontra COVID-19.

Kasunod ito ng planong mandatory inoculation program ng Hong Kong sa 370,000 domestic workers sa kanilang bansa na karamihan ay mula Pilipinas at Indonesia.

Ayon kay OWWA administrator Hans Leo Cacdac, kalmado nilang papakiusapan ang mga OFW na magpabakuna pero hihilingin din nila sa Hong Kong authorities na huwag maging malupit sa mga OFW na ayaw pa o nag-aalangan pa rin.


Umaasa si Cacdac na hindi mauuwi sa retrenchment, termination o deportation ng mga OFW ang nasabing hakbang ng Hong Kong.

Facebook Comments