OWWA, hinikayat ang mga recruitment agencies na protektahan at isaalang-alang ang kapakanan ng mga OFWs

Manila, Philippines – Sa kabila ng pagdami ng mga Filipino na nagtatrabaho sa ibayong dagat hinihikayat ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang mga recruitment agencies na makiisa sa pagtitiyak sa kaligtasan at kapakanan ng ating mga OFWs.

Ayon kay OWWA Administrator Hans Leo Cacdac dapat masiguro ng mga recruitment agencies na maipagkakaloob ang employment rights ng ating mga kababayan

Sa datos ng OWWA, pumalo na sa 2 milyon ang deployment ng mga OFWs kung saan 80 percent dito ay land-based habang ang nalalabing 20 percent ay nagttrabaho sa dagat.


Sa nabanggit ding data, nalagpasan ang 1million record sa OFW deployment sa nakalipas na 10 taon dahil makalipas ang 3 magkakasunod na taon halos 2 milyon o 1.8 mga Pinoy ang pinadadala sa ibat ibang panig ng mundo.

Pinakamarami paring OFWs ang nagtatrabaho sa Saudi Arabia na sinundan naman ng United Arab Emirates (UAE), Singapore, Qatar, at Hong Kong.

Giniit pa nito ang kahalagahan ng koordinasyon ng recruitment agencies sa kanilang foreign counterparts upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga OFWs na tinaguriang mga bagong bayani.

Facebook Comments