OWWA-Hong Kong, naglunsad na ng telemedicine para sa OFWs doon sa harap ng mataas pa rin na COVID cases

Naglunsad na ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)-Hong Kong ng Telemedicine Helpline para sa mga Pilipino doon.

Sa harap ito ng mataas pa rin na kaso ng COVID-19 infection sa Hong Kong.

Ang naturang telemedicine ay idadaos sa Linggo, September 25 sa pamamagitan ng Zoom.


Pinapayuhan naman ang OFWs na magparehistro lamang sa online para maka-avail ng libreng medical consultation.

Facebook Comments