
Inanunsyo ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na balik na sa normal ang kanilang Hotline 1348.
Ito ay matapos na magkaroon ng technical issue ang OWWA hotline kanina.
Bunga nito, pansamantalang pinagamit sa Overseas Filipino Workers (OFWs) na nangangailangan ng serbisyo ang contact numbers ng OWWA sa mga lalawigan at ibayong dagat.
Activated na rin ang hotline ng OWWA sa kanilang Viber at WhatsApp accounts.
Facebook Comments