OWWA, iniimbestigahan na ang kaso ng isang OFW na natagpuang comatose sa isang ospital sa Kuwait

Manila, Philippines – Iniimbestigahan na ng gobyerno ang kaso ng isang Pinoy worker na natagpuang comatose sa isang ospital sa Kuwait.

Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Cacdac, nalaman lang ang kalagayan ni Norisa Manambit, isang household service worker na taga-Maguindanao, dahil sa isang kumalat na Facebook post.

Pero lumabas sa imbestigasyon na sa Saudi Arabia nagtrabaho si Manambit at hindi sa Kuwait.


Facebook Comments