OWWA, kinumpirmang walang Pinoy na nadamay sa gulo sa Haiti

Courtesy: Reuters

Kinumpirma ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na walang Pinoy na nadamay sa lumalalang gang violence sa Haiti.

Ayon sa OWWA, walang pilipinong nasawi sa patuloy na kaguluhan doon.

Nanatili umanong ligtas ang mga Pinoy sa kabila ng pagtakas ng libo-libong mga preso sa pinakamalaking preso sa naturang bansa.


Una ng sinabi ng Department of Migrant Workers (DMW) na hindi bababa sa 63 mga Pilipino ang napapauwi habang lumalawak ang kaguluhan doon.

Samantala, tiniyak naman ng ahensya na tuloy-tuloy ang tulong na kanilang ginagawa para masigurong maayos ang kondisyon at walang masasaktan sa mga Pinoy na target lamang namang magtrabaho sa nasabing lugar.

Facebook Comments