Tiniyak ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Arnell Ignacio na maglalagay na rin sila ng Overseas Filipino Workers (OFW) Lounge sa ibang international airports sa bansa.
Ito ay bukod sa NAIA 1 at 3 na kasalukuyan nang nagagamit ng OFWs para makapagpahinga bago ang kanilang flights.
Ayon kay Ignacio, pina-plantsa na lamang nila ang mga plano sa karagdagang OFW Lounge.
Nitong nakaraang linggo, naglagay rin ang OWWA ng Seafarers’ Hub sa Ermita, Manila para sa mga Pinoy seafarers na nagpoproseso ng kanilang mga dokumento sa manning agencies sa Maynila.
Facebook Comments