OWWA, nagbabala ng pagkalugi kapag lumala ang COVID-19 crisis

Nagbabala ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na mauuwi sila sa bankruptcy o pagkalugi sa katapusan ng 2021 kapag lumala ang COVID-19 pandemic sa bansa sa mga susunod na buwan.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Labor and Employment, sinabi ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac na ang budget ng ahensya ay maaaring bumaba sa halos ₱1 billion pagdating ng 2021 kapag patuloy na lumala ang pandemya.

Aniya, maraming Overseas Filipino Workers (OFWs) ang nawalan ng trabaho dahil sa health crisis.


Ginagamit nila ang budget sa pagbayad sa mga hotel, pagkain, at transportasyon, maging ang financial assistance para sa displaced overseas workers.

Sinabi ni Cacdac na tinitingnan din nila ang worst case scenario lalo na at tinatayang aabot sa 200,000 hanggang 300,000 OFWs ang uuwi sa bansa.

Aabot sa 800 milyong piso ang nagastos ng OWWA para sa kanilang OFW reintegration program kung saan nasa 35,000 OFWs ang humingi ng tulong.

Sa ngayon, humihiling sila ng ₱5 billion supplemental budget para mapanatili ang kanilang mga programa para sa mga OFW na apektado ng pandemya.

Facebook Comments