OWWA, naghahanda na para sa tulong at pagpapauwi sa 9 na Pinoy seafarers mula sa M/V Eternity C na binihag ng Houthi rebel

Naghahanda na ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para sa pagbibigay ng tulong sa siyam na Filipino seafarers na binihag ng Houthi rebel.

Ayon sa OWWA, makikipag-ugnayan na sila sa pamilya ng mga tripulante matapos kumpirmahin ng Department of Foreign Affairs (DFA) na mapapalaya na ang mga ito ng awtoridad ng Sultanate of Oman.

Inihahanda na rin ng Philippine Embassy sa Muscat at ng Migrant Workers Office–Muscat ang mga hakbang para sa ligtas at agarang pagpapauwi ng mga marino pagdating nila sa Oman.

Nagpasalamat naman ang Pilipinas sa Sultanate of Oman sa kanilang mahalagang papel at patuloy na pagtulong upang matiyak ang kaligtasan at paglaya ng mga Pilipinong marino.

Facebook Comments