
Nagpahayag ng pakikiramay ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa pamilya, mga kaibigan, at kapwa Overseas Filipino worker (OFW) ni Leah Mosquera, ang Pinay caregiver sa Israel na pumanaw matapos ang halos isang pananatili sa ospital dahil sa mga isinagawang operasyon.
Ayon sa OWWA, ibibigay nila ang tulong sa pamilya nito at aasikasuhin ang agarang pagpapauwi rito.
Si Leah ay kabilang sa mga nasugatan sa Rehovot, Israel noong June 15, matapos tamaan ng missile ang kanilang tinutuluyang flat.
Siya ay naospital dahil sa kritikal na kondisyon at binawian na rin nang buhay na kinumpirma ng kanyang kapatid na si Mae Joy, na isa ring OFW sa Israel.
Nakatakda sanang magdiwang ng kanyang ika-50th birthday ang OFW sa darating na July 29.









