OWWA, nakikipag-ugnayan na sa pamilya ng mga Pinoy na nasawi dahil sa malakas na pag-ulan at baha sa Dubai; tulong at suporta, tiniyak ng ahensya

Nakikipag-ugnayan na ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Regional Offices nito para makausap ang pamilya ng mga biktimang Pinoy na nasawi sa malakas na pag-ulan at baha sa Dubai.

Ito’y upang matiyak pa rin na maibibigay ang lahat ng kinakailangang tulong at suporta sa gitna ng malungkot na pangyayari.

Ayon kay OWWA Administrator Arnell Ignacio, bukas ang kanilang tanggapan sa lahat ng pangangailangan ng pamilya ng biktima at kung ano pa ang mga kahilingan nito.


Patuloy rin ang komunikasyon ng gobyerno ng Pilipinas sa United Arab Emirates (UAE) upang maproseso ang repatriation ng mga labi ng ating nasawing kababayan sa lalong madaling panahon.

Kahapon ng makatanggap ng kumpirmasyon ang OWWA mula sa Department of Migrant Workers (DMW) na tatlong kababayan natin ang nasawi.

Sa kabila nito, tiniyak naman ng ahensya na gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya para matulungan ang pamilya ng mga biktima.

Facebook Comments