OWWA, nilinaw na dadaan pa sa proseso bago makuha ang sahod ng higit 12,000 OFWs na hindi binayaran sa Saudi Arabia

Nilinaw ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na may mga proseso pang dadaanan bago maibigay sa mahigit 12,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang hindi nila nakuhang sahod sa kanilang pinasukang kumpanya sa Saudi Arabia.

Ayon kay OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, pag-uusapan pa ng gobyerno at ng Labor Ministry ng Saudi Arabia kung paano ang mga gagawing hakbang sa pagbabayad sa sahod ng mga ofw na hindi nabayaran noong 2016 hanggang 2017 na inabot ng mahigit P4.6 bilyon.

Umaasa naman si Cacdac na tutupad ang Saudi Arabia sa ipinangako nitong babayaran ang sweldo ng mga OFW ng kanilang mga employer.


Una nang nagkasundo ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Saudi Labor Ministry na paplantsahin pa ang mga proseso hinggil dito.

Facebook Comments