OWWA: Panibagong batch ng mga OFW mula Israel, ligtas nang nakabalik ng Pilipinas

Ligtas na nakabalik ng bansa ang panibagong batch na Overseas Filipino Workers o OFWs na nagmula Israel.

Ayon sa OWWA, ang 32 OFWs mula Israel ay nag-avail ng voluntary repatriation program ng pamahalaan lulan ng Flight EY424 na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA Terminal 3.

Batay sa datos ng OWWA, umabot na sa 927 OFWs ang napauwi ng pamahalaan mula nang sumiklab ang gulo sa pagitan ng Israel at Hamas noong October 2023.


Nagpaabot naman ng financial assistance ang pamahalaan bukod pa ang food at transportation assistance pati na rin hotel accommodation para sa mga kababayang uuwi sa kanilang mga probinsiya para makapiling ang kanilang pamilya.

Siniguro naman ng ahensya na nanatiling nakasuporta ang pamahalaan sa mga manggagawang Pinoy sa ibang bansa para masiguro na ligtas ang kanilang pag uwi sa Pilipinas.

Facebook Comments