OWWA, patuloy ang pag-monitor sa kaso ng money claims ng mga OFW’s sa kanilang mga kumpanya sa Saudi Arabia

Manila, Philippines – Patuloy ang pag-monitor ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa kaso ng money claims ng mga Overseas Filipino Workers sa kanilang mga kumpanya sa Saudi Arabia.

Kasabay nito, tiniyak Ni Labor Secretary Silvestre Bello ang pagbibigay ng pamahalaan ng tulong ang mga repatriated OFWs habang hinihintay pa ang pinal na desisyon ng korte kaugnay sa kanilang mga unpaid wages at monetary claims.

Bukod rito, humingi na rin ng tulong ang OWWA sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Al Khobar para mapabilis ang pag-iisyu ng pera sa OFW.


Sa ngayon, mayroon nang 5,376 na ang nakauwing OFWs mula sa Saudi.

tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments