Pinaalalahanan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang publiko lalo na ang mga Overseas Filipino Worker (OFW) laban sa mga online lending scam.
Ayon sa OWWA, may mga naglipana na naman kasing account sa social media na gingamit ang opisyal na larawan ng ahensya.
Ito’y upang makapanghikayat ng ating mga kababayan na sumali sa online lending o mga pautang.
Binigyang diin ng OWWA na wala silang kaugnayan rito kahit pa sa central at regional offices.
Kaya’t pinag iingat ng ahensya ang publiko at kung maari ay magsumbong at mag-report agad o mag email sa legal@owwa.gov.ph.
Facebook Comments