OWWA R02, NAG-ABOT NG TULONG SA NASAWING OFW SA CAGAYAN

CAUAYAN CITY – Binisita upang mag-alay ng pakikidalamhati ang pamunuan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Region 02 sa pamilya ng nasawing factory worker sa Taiwan na mula sa bayan ng Pamplona, Cagayan.

 

Ang OFW ay isang aktibong miyembro ng OWWA hanggang sa ito ay pumanaw dahil sa natural na dahilan.

 

Sa pagbisita ng OWWA, nag-abot ang mga ito ng kabuuang P40,000 bilang tulong sa funeral expenses nito.


 

Bukod dito, ginawaran rin ng educational and livelihood program ang pamilya nito gayundin ng death and burial assistance.

 

Umaasa naman ang ahensya na sa ganitong paraan ay matulungan ang pamilya ng pumanaw na OFW at mabawasan ang bigat na kanilang kinakaharap ngayon.

Facebook Comments