Tinanggap ng mga OFW at kanilang pamilya na naapektuhan ng Bagyong Emong ang 4,000 food packs mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Region 1.
First come,first serve ang sistema ng aktibidad na may Layuning agad maipaabot ang tulong sa mga pamilyang lubhang naapektuhan ng kalamidad.
Patuloy na nananawagan ang OWWA sa mga benepisyaryong magtungo sa lugar upang matanggap ang kanilang food packs at maisakatuparan ang mabilis at maayos na distribusyon ng ayuda. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









