OWWA Region 2, Dinudumog parin ng mga Kaanak ng mga OFW’s!

Cauayan City- Patuloy parin na dinudumog ng mga kaanak ng mga OFW’s ang tanggapan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Region 2 upang makakuha ng financial assistance matapos ang pananalasa ng bagyong Ompong sa Cagayan Valley.

Hanggang sa ngayon ay nanatili parin ang mahabang pila sa tanggapan ng OWWA dahil sa dami ng mga taong dumadagsa dito upang makakuha ng kanilang financial assistance.

Nanawagan naman ang pamunuan ng OWWA Region 2 sa mga taga Isabela na pansamantala munang ititigil ang pagtanggap sa mga aplikasyon sa kanilang tanggapan sa syudad ng Ilagan dahil sa aminado ang OWWA na hindi kakayanin ng kanilang tanggapan ang dami ng mga taong dumudumog araw-araw.


Sa ibinahaging impormasyon ni OWWA Officer, Luzviminda Tumaliuan sa RMN Cauayan, ay sinabi nito na nakatakda umanong makipag-usap ang pamunuan ng naturang tanggapan sa Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela kaugnay sa planong na sila na ang magsadya sa mga local na pamahalaan upang ihatid ang mga calamity assistance  at upang walang mahabang pila sa tanggapan ng OWWA region 2.

Matatandaan na kinumpirma ng OWWA Region 2 ang pagbibigay ng calamity assistance para sa mga pamilya ng OFW’s matapos magdeklara ng state of calamity ang lalawigan ng Cagayan at Isabela kung saan ay makakatanggap ng Php3000.00 pesos ang pamilya ng OFW’s na active member habang Php1,500.00 naman para sa mga pamilya ng inactive member ng OWWA.

Facebook Comments