OWWA REGION 2, MULING NAGBIGAY NG TULONG PINANSYAL

CAUAYAN CITY – Muling nagbahagi ng tulong pinansyal ang OWWA Region 2 sa 26 na benepisyaryo sa ilalim ng Welfare Assistance Program o WAP.

Ang WAP ay isang pamamaraan ng ahensya upang makatulong sa mga Pilipinong naghahanapbuhay sa ibang bansa at sa kanilang mga pamilya.

Ang tulong pinansyal na kanilang natanggap ay para sa kanilang medikal na gastusin.


Bukod dito, nakatanggap din sila ng bereavement assistance.

Pinangunahan ni Director Virsie B. Tamayao ang naturang aktibidad, kasama sina WAP Head Alma Chavente at Ms. Almira Pattugalan.

Facebook Comments