OWWA, sinimulan nang bayaran ang utang nito sa mga hotel na nagsilbing OFW quarantine facilities – DOLE

Kinumpirma ng Department of Labor and Employment (DOLE) na sinimulan na ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na bayaran ang kalahit ng nasa ₱241 million na utang sa ilang hotels na ginamit bilang temporary quarantine facilities sa mga returning OFWs.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, kumpiyansa siyang mababayaran ang natitirang utang sa susunod na linggo.

Aniya, mayroong commitment si OWWA Administrator Hans Leo Cacdac na fully paid na sila sa Martes, November 17.


Sinabi ni Bello, naantala ang pagbabayad dahil nais nilang matiyak na tamang halaga ang kanilang binabayad.

Mahalaga rin aniyang sinusuportahan ng kaukulang dokumento ang mga binabayarang utang.

Matatandaang inihayag ng Htels Sales and Marketing Association (HSMA) na may ilang hotel na ang hindi nakakapagbigay ng sahod sa kanilang mga empleyado dahil lumobot na ang utang sa kanila ng OWWA.

Facebook Comments