Tumulak na rin papuntang Cairo, Egypt ang five-man team ng Overseas Workers Welfare Association o OWWA.
Pinangunahan ito ni OWWA Administrator Arnell Ignacio.
Ayon kay Ignacio, magtutungo sila sa border ng Sudan at Egypt upang dalhan ng tubig, pagkain at financial assistance ang mga Pilipino nahihirapang makatawid sa border.
Bumuo na rin daw sila ng tracker team upang matukoy ang lokasyon ng mga OFW sa Sudan sa pamamagitan ng isang website.
Nauna nang dumating sa Cairo, Egypt sina Department of Migrant Workers Sec. Susan “Toots” Ople at Undersecretary Hans Leo Cacdac para tutukan ang paglikas ng mga OFW sa Sudan.
Miyerkules ng gabi nang itaas ng Department of Foreign Affairs ang Alert Level 3 sa Sudan kung saan ipatutupad ang voluntary repatriation o evacuation sa mga Pilipino doon.