OWWA, tiniyak na gagawin ang lahat ng paraan upang mahanap ang nawawalang marinong sakay ng MV Tutor vessel

Tiniyak ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na gagawin ang lahat ng paraan upang mahanap ang nawawalang marino na biktima ng pag-atake ng Houthi rebels sa MV Tutor Vessel sa Red Sea.

Ngayong araw ay personal na nakipag-usap si OWWA Administrator Arnell Ignacio sa dalawang anak at kapatid ng nawawalang marino upang ipaabot ang suporta ng ahensya.

Ayon kay Ignacio, mananatiling nakaalalay ang pamahalaan at ang OWWA sa kanila anuman ang mangyari.


Bukod pa rito ay regular din ang pag-a-update ng OWWA Regional Office sa pamilya ng biktima tungkol sa progreso ng search and rescue operations.

Sa ngayon ay patuloy lamang na nakikipag-ugnayan ang OWWA sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno at sa international agencies upang masiguro ang pagtutok sa lahat aspeto ng imbestigasyon at paghahanap.

Facebook Comments