Aminado ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na matinding naapektuhan ang trust fund ng ahensya noong nakaraang taon dahil sa nabawasang kontribusyon ng mga OFWs.
Ayon kay OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, bumaba ang membership contribution sa 60% dahil kakaunti lamang ang nai-deploy na OFWs dahil sa COVID-19 pandemic.
Sa ngayon aabot sa ₱18.4 billion ang hawak ng OWWA para sa OFW Trust Fund.
Gayumpaman, walang dapat ipag-alala dahil nakatatanggap ang OWWA ng tulong mula sa national government.
Nasa ₱5.2 billion ang kanilang natanggap noong 2020 at ₱6.2 billion ngayong taon.
Pagtitiyak ng OWWA na hindi nagagalaw ang trust fund maliban na lamang kung kailangan para sa accommodation at transportation ng mga returning OFWs.
Facebook Comments