Humihirit ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa Kamara ng dagdag na pondo para sa repatriation ng mga OFW hanggang sa katapusan ng taon.
Tinatayang aabot sa P4.2 billion ang hinihinging dagdag na pondo ng OWWA para sa OFWs repatriation.
Paliwanag ni OWWA Chief Hans Cacdac sa ginanap na pagdinig sa 2022 budget, inaasahan kasi ang pag-uwi sa Pilipinas ng mas maraming OFWs bago sumapit ang pasko.
Marami aniyang OFWs ang hindi nakauwi noong nakaraang taon na ngayon pa lamang ulit makababalik sa bansa.
Giit pa ni Cacdac, humingi sila ng supplemental funding sa Department of Budget and Management (DBM) na P7.5 billion pero nasa P3.3 billion pa lamang ang natatanggap dito ng ahensya.
Aniya, ang pondong ibinigay ng DBM ay tatagal na lamang hanggang sa huling linggo ng Setyembre.