OXYGEN GENERATION PLANT SA DAGUPAN CITY, BINUKSAN NA

DAGUPAN CITY, PANGASINAN – Binuksan na ang Oxygen Generation Plant sa Region 1 Medical Center dito sa lungsod ng Dagupan.

Ang naturang Oxygen Generation Plant ay kayang punan ang 350 oxygen cylinder sa loob ng sampung oras.

Ayon kay R1MC Chief, Dr. Joseph Roland Mejia, mahalaga ang naturang pasilidad lalo ngayong panahon ng pandemya upang maging sapat ang suplay ng oxygen.


Nasa 65 milyong ang inilaan sa naturang konstruksyon ng pasilidad kabilang na nga mga kagamitan nito gaya ng back up generator at oxygen separators.

Dahil sa nasabing oxygen generation power plant maaaring mapababa ang presyo nito para sa ibang hospital kung sakali mang sobra ang suplay para sa R1MC. ###

Facebook Comments