Nilinaw ng Department of Trade and Industry (DTI) na sapat ang suplay ng oxygen tank sa bansa sa kabila ng pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Kasabay nito ay nagbabala si DTI Secretary Ramon Lopez laban sa mga hoarders ng oxygen tanks.
Aniya, ang hoarding lalo na sa mga panahong ito ay maituturing na krimen at titiyakin nilang hahabulin nila ang mga mapagsamantalang distributor o refillers.
Base sa natatanggap nilang ulat, ang pagtaas sa demand ng oxygen tanks ay nanggagaling sa mga kabahayang bumibili nito para sa personal na pangangailangan sa kasalukuyan o potential emergency need.
Hinikayat naman ng DTI ang Department of Health (DOH) na bumili at mag-imbak ng mga oxygen tanks at regulators habang hinimok din ang mga oxygen manufacturer na palawakin ang kanilang kapasidad.