Mas pinalalakas ang oyster o talaba production sa lungsod ng Dagupan sa pamamagitan ng inilulunsad na mga programang inilaan para sa mga oyster farmers.
Katuwang ng LGU Dagupan ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR Department of Science and Technology (DOST) sa kanilang programang Community Empowerment through Science and Technology o CEST sa naganap na pamamahagi ng floating oyster rafts with plastic straps pati ang weighing scales sa mga oyster farmers mula sa iba’t-ibang barangay ng lungsod.
Kabuuang tatlumpo o 30 units ang naibigay sa mga ito kung saan sampu ang naipamahagi sa barangay Calmay habang dalawampu o 20 units naman sa barangay Lucao.
Bahagi ang nasabing programa sa tulong pangkabuhayan ng ahensyang DOST na may layong makatulong sa mga nagtatalaba sa lungsod upang mapalago ang oyster production at mapalaki ang kanilang kita.
Ilang pang mga programa para sa mga ito ang inihahanda na ng lokal na pamahalaan ng Dagupan upang mas palakasin pa ang industriya ng talaba ng Dagupan City. |ifmnews
Facebook Comments