Ozamis City – Patay sa ikinasang drug raid ng Criminal Investigation Detection Group (CIDG) Region-10 ang alkalde ng Ozamis City na si Mayor Reynaldo Parojinog Jr.
Ayon kay PNP-Regional Director C/Supt. Tim Alas – dos y media nang madaling araw, magsisilbi sana ng search warrant ang CIDG-10 katuwang ang Misamis Occidental PPO at Ozamis CPS sa bahay ng alkalde nang bigla silang pagbabarilin ng mga security personnel nito.
Dahil dito, napilitang makipagbarilan ang mga pulis kung saan pito ang nasawi.
Bukod kay Mayor Parojinog, patay din ang misis nito na si Susan Parojinog at kapatid na board member na si Ricardo Parojinog.
Gayundin ang apat na miyembro ng Barangay Peace Action Teams (BPAT) kung saan tatlo rito ay kinilalang sina Miguel Del Victoria, Nestor Cabalan, Daniel Velasquez.
Samantala, arestado naman ang Vice Mayor ng Ozamis na si Nova Parojinog Echaves.
Si Echaves ay dati nang napabalitang may koneksyon sa bilibid drug lord na si Herbert Colangco.
Nakumpiska mula sa bahay ng pamilya Parojinog ang ilang uri ng armas, mga bala, granada, shabu at drug paraphernalia.