Nilinaw ni Ozamis PNP Chief of Police Jovie Espenido nawalang EJK o Extra Judicial Killings sa kanilang ginawang operasyon sa mgabahay nila ni Ozamis Mayor Reynaldo at Vice Mayor Nova Parojinog alas dos ngmadaling araw kahapon.
Aniya, nanlaban ang mga armadong security ng pamilyaParojinog kung kayat naganap ang madugong bakbakan.
Sinabi ni Espenido sa ginawang press conference kahaponna hindi galing kay Presidente Rodrigo Duterte ang kautosan na salakayin angpamilya Parojinog na nasa drug watch list ng pangulo.
Ayon kay Espenido ang kautosan ay nanggaling sa korte atmay sarili silang discretion bilang implementor sa naturang hakbang.
Samantala, nilinaw din ni Espenido kung bakit madalingaraw ang kanilang paghain ng anim na search warrant ng pamilyang Parojinog.
Inihayag ni Espenido na kailangan nilang ihain ang searchwarrant kung saan walang maraming civilian na madadamay.
Matandaang kabilang sa labin limang patay si Ozamis CityMayor Reynaldo Parojinog Sr. at asawa nito sa isinagawang raid ng CIDG kahaponng madaling araw. (GHINER L. CABANDAY, RMN DXIC ILIGAN)