Manila, Philippines – Nakaalerto na ang PNP sa Ozamiz City matapos ang ulat na reresbak umano ang mga tagasuporta ng pamilya Parojinog.
Ayon kay PNP Chief Ronald dela Rosa, batay sa nakuha nilang impormasyon sakay ng dalawang malaking bangka at galing ng Culambugan sa Lanao del Norte ang dagdag pwersa ng pamilya Parojinog.
Dahil dito, sinabi ni dela Rosa na isang kompanya ng regional public safety battalion ang ipinadala niya sa Ozamiz City para tumulong sa pagpapatupad ng katahimikan at seguridad sa lungsod.
Aniya kailangan maging alerto ang PNP lalo’t malaking grupo ang kanilang nakabangga.
Hindi naman isinasantabi ni Bato ang posibilidad na maaring samantalahin ng ibang grupo ang sitwasyon sa Ozamiz at palabasin na gumanti lamang ang pamilya Parojinog.