Ozamiz police raid, overkill – Atty. Topacio

Manila, Philippines – Itinuturing ni Atty. Ferdinand Topacio, abugado ni Ozamiz City Vice Mayor Nova Princess Parojinog-Echavez na “over kill” ang magudong raid ng mga pulis na ikinamatay ni Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog Sr., kanyang asawa at labing tatlong iba pa.

Ayon kay Topacio – hindi siya tutol sa war on drugs ng Duterte administration, pero hindi makatao ang nangyari sa pamilya Parojinog.

Aniya, sa ulo ang tama nina mayor Parojinog, asawa niyang si Susan at si Provincial Board Member Octavio Parojinog.


Hindi rin umano kapani-paniwala na sa edad ni Susan ay kakayanin niyang humawak ng baril na m16 o m14, lalo na ang makipagpalitan ng putok laban sa mga otoridad.

Inaabangan na ng kampo ng mga Parojinog ang resulta ng PNP forensic examination sa crime scene.

Facebook Comments