Hindi pa itinuturing ng Deparment of Health (DOH) bilang variant of concern ang P.3 variant.
Ito ang pahayag ng DOH sa harap ng mga tanong na kung ang P.3 variant ay mataas ang resistance sa bakuna.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, walang pang sapat na datos para sabihin na magdudulot ng public health implications ang nasabing variant.
Aniya, patuloy pa ring pinag-aaralan ang variant at isusumite sa international database para mabigyan sila ng gabay hinggil dito.
Sa ngayon ang Pilipinas ay may 223 UK variant cases, 152 South African variant, at 104 cases ng P.3 variant.
Facebook Comments