P-Duterte ayaw manisi sa paglabas ng espekulasyon na may nakalabas umano na P6.8-B halaga ng shabu

Manila, Philippines – Ayaw munang maglabas ng anomang espekulasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kung sino ang dapat sisihin at nagsabi na mayroong nakalusot na 6.8 billion pesos na halaga ng shabu na naipuslit mula sa Bureau of Customs (BOC) na nasa loob ng magnetic lifters na na-recover naman sa GMA Cavite.

Sa talumpati ni Pangulong Duterte sa harap ng mga opisyal ng Kapisanan ng mga Broadcaster ng Pilipinas o KBP ay sinabi nito na hindi ngayon ang panahon para manisi.

Ang lumabas lang aniya sa balita na halaga ng shabu ay inassume lang na kung puno ang nasabat na magnetic lifters.


Binigyang diin ng Pangulo espekulasyon lamang na aabot sa 6.8 billion pesos ang nakalabas na shabu dahil wala namang patunay na nangyari o totoo nga ito.

Hindi kasi aniya maaaring presumption o palagay lamang dahil hindi ito uubra lalo na sa criminal case.
Kaya naman sinabi ng Pangulo na dapat ay eksakto ang mga detalye sa paghahanap ng katotohanan.

Facebook Comments