P-Duterte, bumisita kagabi sa kaniyang anak na si Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio na kakapanganak lamang

78
Binisita na ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi ang kaniyang anak na si Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio na kakapanganak lamang sa Davao City Hospital.
 
Tuwang-tuwa ang Pangulong Duterte nang makita nito ang kanyang bagong silang na apo at nag-selfie pa.
 
Tumagal ng mahigit na sampung minuto ang pangulo sa loob ng pagamutan at agad na ito ay umalis matapos ang pagdalaw.
 
Si Mayor Inday Sara ay nagsilang ng baby boy sa pangatlong anak nila ng asawang si Atty. Manases Carpio.
 
Pinangalanan nila itong si Stonefish.

RMN News Nationwide: “The Sound of the Nation.”, RMN DZXL Manila
 

Facebook Comments