MANILA- “Galit ako, kasi pati ako napahiya”ito ang reaksyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kaniyang press conference sa Malacañang noong Lunes kaugnay sa pagkakasangkot ng mga pulis sa pagdukot at pagpatay sa Koreanong negosyante na si Jee Ick Joo.Sa galit pa ng pangulo, sinabi niya na sukdulan na talaga ang kurapsyon sa hanay ng pulisya.Anya, halos lahat o 40 percent sa mga pulis ay sanay na sa kurapsyon.Bukod dito, binanatan rin ng pangulo si Supt. Rafael Dumlao ng PNP anti-illegal drugs group na sangkot rin sa pagpatay sa Koreano.Bago pa malaman ng pangulo na nasa kustodiya na ng PNP si Dumlao, nagbigay pa ito ng P5 milyong pabuya sa makapagtuturo dito.Giit ng pangulo, malaki ang ibibigay niyang pabuya laban kay Dumlao dahil sinira nito ang imahe ng PNP.
P-Duterte, Galit Sa Pagkakasangkot Ng Mga Pulis Sa Pagdukot At Pagpatay Sa Koreanong Negosyante
Facebook Comments