P-Duterte, Handang Tanggapin Ang Vietnamese Fishermen Sakaling Magkaprobemang Muli Sa Laot

3

SUAL, PANGASINAN – Matapos pangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sendoff ceremony sa Sual, Pangasinan sa labing pitong mangingisdang Vietnamese.Tiniyak ngayon ng Pangulo sa mga mangingisdang Vietnamese na wala na silang magiging problema sa susunod na salubungin sila ng bagyo sa laot.Una nang inabswelto sa lahat ng kaso ang mga mangingisdang Vietnamese matapos katigan ang kanilang paliwanag na napadpad sila sa Pilipinas dahil sa pananalasa ng Bagyong Ferdie.Nagbiro pa ang Pangulo nang malaman na nagkaroon pa ng kasintahang pinay (girlfriend) sa Pangasinan ang isa sa mga nahuling mangingisda.Nagpasalamat naman si Vietnamese Ambassador na si Truong Trieu Duong sa pagpapalaya sa kanilang mga kababayan.Matapos ang ceremonial sendoff ay agad ding nakapaglayag pabalik ng Vietnam ang mga naturang mangingisda.

Facebook Comments