Manila, Philippines – Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga producer ng saging at pinya na madaliin ang kanilang produksyon para agad na maibenta sa china.
Sa kanyang talumpati sa selebrasyon ng people’s day sa Socorro, Oriental Mindoro, sinabi ng pangulo na handang bilhin ng China ang mga saging at pinya mula sa Pilipinas na una nang ini-snab ng nasabing bansa.
Aniya, napakaganda ng relasyon ng dalawang bansa kaya’t magandang pagkakataon ito para sa mga pilipino.
Gayunpaman, binigyang-diin ni Duterte na darating pa rin ang panahon na pag-uusapan nila ng China ang naging desisyon ng UN arbitral tribunal kaugnay ng territorial dispute sa West Philippine Sea.
Facebook Comments