P-Duterte, ipinagtanggol ang ginawang raid sa bahay ng mga Parojinog

Manila, Philippines – Ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ginawang raid sa bahay ni Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog.

Sa kaniyang talumpati sa ika-113 anibersaryo ng Bureau of Internal Revenue (BIR), sinabi ng pangulo na tama ang pagsisilbi ng search warrant kahit na madaling araw.

Nilinaw rin ni Duterte na biro lang ang bantang pag-abolish sa Commission on Human Rights (CHR).


Kasabay nito, binanatan rin ng pangulo si Ombudsman Conchita Morales.

Tinawag ring baliw ng pangulo si North Korean Supreme Leader Kim Jong Un dahil sa nuclear weapons program ng Pyongyang.

Iginiit rin ng pangulo na galit siya sa katiwalian kaya hihintayin niya ang final report hinggil sa mga alegasyon sa Bureau of Customs.

Facebook Comments